Mga
Layunin
1. Nasusuri ang pasimula at
pagsulong ng kabihasnang Tsino sa Asya;
2. Natatalakay ang heograpiya ng
lugar kung saan umusbong ang kabihasnang Tsino;
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
Huang Ho sa kasaysayan ng China;
4. Naipaliliwanag ang mga kaisipang
umusbong sa dinastiyang Zhou;
5. Nasusuri ang mahahalagang
kaganapan sa ilalim ng dinastiyang Han; at
6. Naipaliliwanag ang pagtatatag ng imperyong
China.
Ang kabihasnang
umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa
buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Ito ay maiuugat halos apat na milenyo na
ang nakalilipas. Mula pa man noong unang panahon, ang pagkakaroon ng isang
mahusay na pamamahala ang nagging mithiin ng mga Tsino. Ang pagkakaroon ng mga
ideolohiyang suportado ng estado, particular ang Confucianism at Taoism, ay
lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspetong pulitikal, ang China ay
halinhinang nakaranas ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang pagpasok ng mga
impluwensyang dayuhan sa China ay nalagom at napailalim lamang sa
pagkakakilanlan ng mga Tsino. Ang mga kaganapang ito ang humubog sa kultura at
tao ng bansa sa makabagong panahon.
Heograpiya
ng China
Tulad ng mga unang
sibilisasyon sa Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog, malapit sa Yellow
River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
kanlurang China at may habang halos 3,000 milya. Ito ay dumadaloy sa Yellow
Sea.
Yellow River o Huang Ho |
North China Plain – isang malawak
na kapatagan na nabuo dahil sa pagbabago-bago ng dinaraanan ng ilog na Huang
Ho.
North China Plain |
Katulad ng Nile
River, ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa. Sa
kasamaang-palad, dahil sa pagiging patag ng North China Plain,
madalas ang nagaganap na mga pagbaha sa lugar na ito.
Xia o Hsia – ayon sa isang
alamat, ito ang kauna-unahang
dinastiyang nangibabaw
sa China.Ito ay pinasimulan ni Yu
noong 2000 B.C.E
Yu –
pinaniniwalaang siya ang nakagawa ng isang paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng
Huang Ho.
Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang
makapamuhay ang mga magsasaka sa lambak. Naniniwala ang mga Tsino na sila
lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribu ng mga barbaro. Dahil dito,
tinawag nila ang kanilang lupain bilang
Zhongguo – na nangangahulugang
Middle
Kingdom
Question
Ano ang kahalagahan
ng Huang Ho sa kasaysayan ng China?
Answer
Ang kahalagahan
ng Huang Ho sa kasaysayan ng China ay dito umusbong ang kabihasnan ng China.